Napatay na ng Spanish Police ang pangunahing suspek sa van attack sa Barcelona na ikinasawi ng 13 katao.
Ayon sa regional police, napatay ang suspek na si Younes Abouyaaqoub sa bayan ng subirats sa kanlurang bahagi ng Barcelona.
Tumanggi naman magkomento ang mga awtoridad sa report na may mga operasyon pa para mahuli ang iba pang sangkot sa nasabing pag-atake.
By Arianne Palma