Limitado na ang suplay ng lokal na produksyon ng galunggong sa ilang pamilihan sa bansa.
Ito ang iginiit ni Information Officer Chief Nazzer Briguera ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Briguera na inaasahan nila ito dahil sa ipinapatupad na close fishing season sa bahagi ng Palawan.
Tiniyak din niya na hindi magkukulang ang suplay ng galunggong na pwedeng mabili ng publiko dahil sa inangkat na 25,000 metric tons ng naturang isda para matugunan sakali mang magkulang.
Samantala, sinabi ni Briguera na dumating na sa bansa ang nasa 13,000 metric tons ng galunggong.