Sapat ang suplay ng asukal at bigas hanggang sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Department of Agriculture (DA) Spokesperson Kristine Evangelista kung saan mas maganda ang suplay ng asukal ngayon kumpara sa mga nakaraang buwan dahil sa milling season ng mga local producers.
Sinabi pa ni Evangelista na mula sa PHP 120 na presyo sa kada kilo ng asukal ay bumaba ito ng PHP 95.
Aniya, tinitignan din ng ahensya na pwede pa itong ibaba sa PHP 90 ngunit ikino-konsidera rin nila ang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo.
Samantala, pinawi rin ni Evangelista ang pag-aalala ng mga mamimili sa suplay ng bigas, at sinabing sapat ito hanggang sa unang quarter ng 2023.