Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Super El Niño, posible pang maramdaman hanggang Pebrero ng susunod na taon — WMO

by DWIZ 882 September 4, 2026 0 comment
012424 el nino

Nagbabala ang World Meteorological Organisation na lalo pang lalala ang El Niño pagdating ng katapusan ng taong 2026, at may posibilidad na magtagal pa ito hanggang Pebrero 2027.

Ayon sa WMO, asahan na ang mas mainit na panahon at mas malubhang pag-ulan na magdudulot ng pagtuo ng lupa at matinding pagbaha.

Ngunit iginiit ng ahensya na isang natural climate phenomenon ang El Niño at hindi dulot ng climate change.

Gayunman, sinabi ng mga eksperto na lalo lang iinit ang panahon kung sasabayan ang El Niño ng pagsusunog umano ng mga fossil fuel.—sa panulat ni Anjo Riñon

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment