Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

EDSA Bus Carousel, nanganganib mawala matapos itong umitlog sa 2027 budget

by DWIZ 882 September 4, 2026 0 comment
EDSA BUS CAROUSEL

Nanganganib na matigil na ang operasyon ng EDSA Bus Carousel matapos itong makakuha ng zero budget sa panukalang 2027 General Appropriations Act.

Dahil dito, umapela si Transportation Secretary Giovanni Lopez sa House Committee on Appropriations na pondohan ito upang maipagpatuloy ang pagtulong sa mga commuter sa darating na taon.

Ginawa ni Lopez ang panawagan matapos punahin ni Akbayan Rep. Perci Cendaña ang pagiging “zero budget” ng naturang bus service, at maging ang kaugnay nitong mga service contracting fuel subsidies.

Ayon kay Cendaña, ipinapakita lamang nito na tila wala sa prayoridad ng pamahalaan ang milyun-milyong commuter, at maging ang mga tsuper at transport worker na umaasa sa nabanggit na bus system.—sa panulat ni Anjo Riñon

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment