Tinukoy ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) ang Southeast Asia bilang World’s Fastest Market for Methamphetamine o shabu.
Ayon sa 2019 World Drugs Report ng UNODC, nagdudulot ng matinding pag-aalala ang paggamit ng shabu sa rehiyon sa gitna na rin ng malaking bulto ng iligal na droga na nakukuha sa east at southeast Asia mula noong 2007 hanggang 2017.
Sa tinatayang 82tons na shabu na nakuha ay masasabing 45% na ito ng kabuuang dami ng mga nakumpiska sa buong mundo.
Sinabi pa sa ulat na ang shabu ay pangunahing ginagawa sa North America, East Asia at Southeast Asia.
Kumpara sa Amerika na madalas ay sa kitchen laboratory lamang ginagawa ang shabu, industrial-size laboratories ang nagluluto at pinagmumulan ng iligal na droga sa Mexico at malaking bahagi ng Asya.