Nanindigan si Solicitor-General Florin Hilbay na halos 100 porsyentong natural-born Filipino ang mga foundling.
Ito ang inihayag ni Hilbay sa ikalimang round ng oral arguments sa Korte Suprema hinggil sa disqualification cases laban kay 2016 presidential candidate at Senator Grace Poe.
Ayon kay Hilbay, kahit ang isang bagong silang na may asul na mata, dilaw na buhok at maputing balat na matagpuan sa Manila Cathedral ay maaaring ikunsiderang natural-born citizen ng Pilipinas base sa presumption ni Senior Associate Justice Antonio Carpio.
Base na rin ito sa naging talakayan sa 1934 Constitutional Convention.
Iginiit ni Hilbay na halos 16,000 sanggol na ipinanganak sa bansa noong 1965 hanggang 1975 ay dayuhan kumpara sa 10 milyong ipinanganak na Pinoy sa nasabing panahon.
Inihalimbawa ng SolGen na kung may makapulot ng isang sanggol na mayroong “Caucasian features” sa Manila Cathedral at hanapin ng DSWD kung sino ang magulang ng bata subalit hindi makita, natural lamang na Filipino ang magiging citizenship ang ilalagay ng kagawaran sa certificate ng paslit.
By Drew Nacino | Bert Mozo (Patrol 3)