Ligtas sa mga bata at sanggol, mula anim na buwang gulang, ang coronavac COVID-19 vaccine, batay sa pinakabagong pag-aaral ng chinese drug company na Sinovac.
Ibinunyag ng Sinovac na nagsumite na sila ng datos sa pamahalaan ng Hong Kong noong Oktubre simula sa unang dalawang yugto ng vaccine trials sa mga batang mula Mainland China, na tatlo hanggang 17 taong gulang.
Nakatuon ang trials sa immune response at safety findings ng mga bata sa bakuna kung saan suportado ng datos sa mass immunization ng mga menor-de-edad sa mainland mula 12 hanggang 17 years old, ang mga resulta sa vaccine safety.
Ayon kay Dr. Gao Yongjun, medical affairs director ng Sinovac, walang nakitang serious adverse reactions sa isinagawang trials.
Kabilang ang Sinovac sa dalawang COVID-19 vaccine na ginagamit sa Hong Kong, kung saan isa rito ay mula sa German firm Pfizer-Biontech.—mula sa panulat ni Drew Nacino