Asahan na ang mababang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Oktubre.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, kanilang iaanunsyo bukas kung magkano ang eksaktong magiging bawas sa kanilang singil.
Pero hindi aniya ito malayo sa kinse sentimos kada kilowatt hour na naging tapyas sa singil sa kuryente noong nakaraang buwan.
Ang pagbaba naman sa singil ay bunsod ng malaking suplay ng kuryente na nakukuha ng Meralco.
Samantala, sa ika-9 na sunod na linggo, muling magpapatupad ng taas sa presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Ayon sa mga source mula sa Department of Energy, maglalaro sa piso at kuwarenta sentimos hanggang piso at singkwenta sentimos kada litro ang dagdag presyo sa diesel.
Otsenta hanggang piso kada litro sa gasolina habang piso at trenta sentimos hanggang piso at kuwarenta sentimos sa kerosene.