Ipinatupad na ng Meralco ang bawas-singil sa kuryente para sa mga konsyumer nito ngayong buwan.
Batay sa anunsyo ng nasabing electric company, aabot sa P0.75 sentimo ang tapyas sa kada kilowatt-hour para sa billing nito.
Tinatayang katumbas ito ng 150 pesos na bawas-singil sa kada buwang konsumo na 200 kilowatt-hour sa monthly electric bill ng konsyumer.
Ang naturang bawas-singil ay bunsod ng mas mababang generation charge mula sa mga power supplier.—sa panulat ni Jasper Barleta