Inanunsyo na ni Senator Koko Pimentel ang kanyang intensyon na maging susunod na Senate President.
Ayon kay Pimentel, ito ay para maayos na maisulong sa senado ang agenda ng partido at ang agenda ni presumptive pres. Rodrigo Duterte.
Tiniyak din ni Pimentel na sakaling gustuhin ni Sen. Allan Peter Cayetano na maging senate president, kanila ito ituring na friendly competition.
Sinabi ni Pimentel na kanya palang sisimulan ang pakikipag-usap sa mga senador para hingin ang kanilang suporta.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)