Naniniwala si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na hindi papansinin ng International Criminal Court (ICC) ang resolusyong inihain sa Senado na nananawagan sa agarang pagbabalik-bansa kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Rep. De Lima, political posturing na lamang ang Senate resolution dahil wala na sa kapangyarihan ng gobyerno na pablikin ang dating Pangulo.
Wala rin aniya itong ligal na bigat kaya’t hindi mapagbibigyan ang inihaing resolusyon, lalo na’t may sarili ring proseso ang ICC para sa mga hiling ng interim release ng mga nasasakdal.
Paliwanag pa ng dating Justice Secretary, isang independent tribunal ang ICC kaya’t may sapat itong hurisdiksyon sa kinakaharap na kasong crimes against humanity ng dating Pangulo.