Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Senador Loren Legarda, may “seryosong sakit” — SP Win

by DWIZ 882 August 27, 2026 0 comment
LOREN LEGARDA 2

May “seryosong sakit” si Senador Loren Legarda at patuloy na naka-medical leave.

Ito ang inihayag ni Senate President Sherwin Gatchalian na tumanggi namang sabihin kung ano ang mismong sakit ng senador at iginiit na isa itong personal na issue.

Ikaapat na beses nang pinalawig ni Senador Legarda ang kanyang medical leave at nakatakdang magpatuloy ang pagliban hanggang Setyembre 2.

Nauna nang kinumpirma ng National Bureau of Investigation noong Agosto a-syete na pumunta si Senador Legarda sa France habang ang kanyang anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste ay pumunta naman sa Hong Kong.

Matatandaang tinawag naman ng Office of the Ombudsman na “suspicious” ang dalawang buwang travel authority ni Cong. Leviste at ang pinahabang medical leave ni Senador Legarda, habang iniimbestigahan sa sinasabing sampung bilyong pisong solar energy contracts.—sa panulat ni Jordan Gutierrez

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment