Maghahain ng resolusyon si Senador Antonio Trillanes the Fourth na humihiling na imbestigahan ng Senado ang mga bank records ni Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito, bukas, Pebrero 5.
Ayon kay Trillanes, ito ang kanyang tugon sa hamon ni Pangulong Duterte na siyasatin ang umano’y kanyang mga tagong yaman.
Partikular aniya na kanyang pabubuksan ay ang mga bank documents ng Pangulo at anak nito na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Iginiit pa ni Trillanes na kinakailangan nang mabunyag ang katotohan at malantad sa publiko ang mga itinatagong yaman ng Pamilya Duterte at nakalalay na ito sa kamay ng Senado.
Matatandaang noong Enero 24, bago bumiyahe patungong India, sinabi ni Pangulong Duterte na ipauubaya na niya sa Kongreso ang pag-iimbestiga sa umano’y kanyang mga tagong yaman.
Posted by: Robert Eugenio