Iginiit ni dating Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na dapat ay “motion to diefer action on the original or amended motion” ang naging pasya ng Senado sa nagdaang plenary session hinggil sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Aniya, maaaring magamit ang pag-archive ng Senado sa articles of impeachment ni VP Sara para maging “moot and academic” o irrelevant ang inapelang motion for reconsideration sa Supreme Court.
Kinuwestiyon din ng dating mambabatas ang mabilis na pagkilos ng Senado kahit na aniya’y walang sinabi sa inilabas na ruling ng korte na sila mismo ang kailangang kumilos sa sinasabing “immediately executory” na desisyon ng SC.