Kinuwestiyon ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang pananatili sa pwesto ni Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan sa gitna ng kontrobersiya kaugnay ng umano’y trilyong pisong halaga ng flood control ghost projects.
Ayon kay Sen. Pangilinan, hindi maikakaila ang bigat ng alegasyon laban sa ahensya ngunit nananatili pa rin sa pwesto ang kalihim; hindi rin aniya maaaring isantabi ang posibilidad na may kinalaman si Bonoan sa sinasabing katiwalian.
Dahil dito, nanawagan ang senador sa pagbuo ng isang independent commission na magsisiyasat sa maanomalyang flood control projects.
Iminungkahi niyang pamunuan ito ng mga personalidad na may mataas na kredibilidad gaya nina dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, dating DPWH Secretary Rogelio Singson, at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Kasabay nito, binigyang-diin din ng senador ang kahalagahan ng transparency at tamang paggamit ng pondo ng bayan upang matiyak na napoprotektahan ang mga komunidad laban sa pagbaha.
—Sa panulat ni Jasper Barleta