Magpapatupad ng tinatawag na Golden Age of Transparency and Accountability ang Senado sa pagdinig at pagpapasa ng panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Ito ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Senator Sherwin ‘Win’ Gatchalian ay bilang tugon sa mga panawagan para sa transparency pagdating sa pambansang budget.
May mga pagbabago aniya silang ipapatupad para matiyak ang transparency sa pagpapasa ng panukalang 2026 budget.
Ayon kay Gatchalian gagawin ng digital ang kopya ng National Expenditure Programs, General Appropriation Bill hanggang magkaroon ng final version ng pambansang budget.
Ito ay para magkaroon ng pagkakataon ang mga mambabatas at maging ang publiko na masuri at masubaybay ang mga naging pagbabago o amendments sa budget.