Kinuwestyon ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang motibo ng International Criminal Court (ICC) sa panggigiit na maimbestigahan ang Anti Drug War Campaign ng bansa.
Ayon kay Dela Rosa, mayroon talagang agenda ang patuloy na pagsusulong ng ICC ng nasabing imbestigasyon at may nagtutulak dito para gawin ang nasabing hakbang.
Pagod na aniya siya sa naturang usapin lalo na’t pinagbawalan na rin ang ICC investigators na pumasok sa bansa.