Isinusulong ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) ang pagbuo ng isang Revolutionary Government na pamumunuan din ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa tagapagsalita nito na si Bobby Brillante, marami pang pangako ang Pangulo na hindi pa rin nabibigyang sakatuparan sa pagsugpo sa laganap na katiwalian, iligal na droga, at ang federalismo.
Meron akong hinahanap na katuparan ng pagbabago, at hindi pa ‘yan naibibigay. Kaya gusto natin bigyan ng extra power si Pangulong Duterte para maisagawa ang pagbabago, and at the same time tignan niya ang mga tao sa paligid niya na nagtatali ng kamay niya para maisulong ang pagbabago, ” ani Brillante.
Kasunod nito, tumalima ang grupo sa isang manifesto na nagsusulong sa Revolutionary Government tungong Federalismo.
Kabilang sa plano ang paglulunsad ng people’s initiative, at pagkakaroon ng bagong saligang batas.
Sa ilalim ng bagong saligang batas under a Parliamentary Federal System, maktatakda ng eleksyon sa November 2021. Pagkatapos mahalal ang mga ito sa ilalim ng bagong saligang batas, dapat sila’y uupo na kasama na ang bagong presidente at prime minister ng January 2022,” ani Brillante
Pero ayon sa grupo, ang hakbang na ito ay hindi magbibigay daan sa ‘term extension’ ni Pangulong Duterte maging sa ibang opisyal ng pamahalaan. — panayam mula sa Todong Nationwide Talakayan.