Inaasahang mailalabas na ngayong araw o sa Miyerkules ang mga resulta ng genome sequencing sa mga biyahero mula South Africa at 11 iba pa na nagpositibo sa COVID-19 pagdating nila sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 12 samples mula sa returning overseas filipinos (ROFs) ang isinailalim sa genome sequencing sa Philippine Genome Center.
Matatandaang noong isang linggo ay naiulat ng DOH na nagpositibo sa COVID-19 ang tatlong biyahero mula sa South Africa, Burkina Faso, at Egypt.
Sinabi pa ni Vergeire na nakitaan ng mild symptoms ang mga close contact ng mga biyahero mula South Africa. —sa panulat ni Hya Ludivico