Nakikipag-ugnayan na ang Regional Office ng Department of Health hinggil sa kaso ng 13-anyos na binatilyong namatay na naubusan ng dugo makaraang magpatuli.
Kinilala ang menor de edad na si Angelo Tolentino nagpatuli sa Medical mission na inorganisa ng fraternity group na Scout Royal Brotherhood sa Zaballero, Lucena City.
Sa pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kanilang iimbestigahan ang insidente dahil hindi pangkaraniwan na mayroong namamatay nang dahil sa tuli.
Nakikipag-ugnayan narin sa Local government ang DOH upang alamin kung may mali sa operasyon ng binatilyo.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan ang mga otoridad sa Public Attorney’s Office upang mapanagot ang responsible sa sinapit ng biktima.
Samantala, nagpaalala naman ni Vergeire na tiyakin na ng lisensiyadong doktor na magsasagawa ng pagtuli at dapat na malinis ang mga gagamiting medical equipment. —sa panulat ni Angelica Doctolero