Hindi na bago para kay political analyst Ramon Casiple ang binabanggit na radikal na pagbabago ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Casiple ang mga pangakong pagbabago ng Pangulo ang naging susi para maupo ito sa puwesto.
Kung tutuusin, iginiit ni Casiple na maituturing na ring radikal na pagbabago ang kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga maging ang pagsusulong ng pederalismo.
Gayunman, dapat tutukan aniya ang malaking pagbabago oras na maipasa ang Bangsamoro Basic Law o BBL.
“Ang radical change walang nangyayari niyan, may bago na tayong arrangement para sa lugar ng mga kapatid nating Muslim, ngayon mas malawak ang powers diyan, magkakaproblema diyan tingin ko ‘yung mga established political clans and groups kasi may bago nang lumitaw sa larangan itong MILF at posibleng MNLF kung tatanggapin ng MNLF ‘yung lumitaw na arrangement, ibig sabihin radical din ang usapin ng paglutassa rebelyon sa Moro.” Pahayag ni Casiple
Una nang ibinabala ng Pangulong Duterte na magpapatupad siya ng ‘radical changes’ sa gobyerno sa mga susunod na araw bagama’t kinalma ang publiko sa pangambang pagdedeklara ng martial law sa buong bansa.
“I will make radical change in the days to come.”
“There will be changes in the coming days including public order and security. There are simply too many crimes and too many—claiming to be this and that.” Ani Pangulong Duterte
“Martial law is not feasible. It won’t work. First of all, it’s going to be a divided nation so I don’t know if everyone will agree with [that]. I might think of something else.”
“I have declared national emergency already, it’s existing. In other countries, national emergency is equated with martial law. But we have our unique style of handling national emergency.” Dagdag ng Pangulo
(Balitang Todong Lakas Interview)