Umapela ang Quezon City Task Force for Transport and Traffic Management sa lahat ng mga establisyemento sa lungsod na makipag-tulungan sa kanila.
Ito’y para huwag nang pahintulutan sa kanilang lugar ang illegal parking gayundin ang mga nakasasagabal sa lansangan.
Ayon kay Task Force Chief Atty. Ariel Inton, ginagawa nila ang lahat upang makasunod sa itinakdang 60 days deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng DILG memorandum circular 2019-121 na magtatapos sa susunod na linggo.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Inton na nasa 90 percent nang nalinis ang mga kalsada sa lungsod kabilang na ang Mabuhay Lanes at secondary roads.
Iminungkahi pa ni Inton sa mga may-ari ng iba’t ibang establisyemento sa lungsod na pagsabihan ang mga guwardiya nito hinggil sa tamang lugar na maaaring pagparadahan ng sasakyan.