May bago nang pagpipilian ang mga may kapansanan o person’s with disabilities (PWDs) para makabiyahe sa mga piling lugar sa Metro Manila.
Ito’y makaraang ilunsad ng Department of Transportation and Communications o DOTC at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang premium P2P bus.
Ayon sa DOTC, kumpara sa ordinaryong bus, low decker ito kaya’t mas accessible para sa mga may kapansanan dahil kaya nitong magsakay ng 8 wheelchairs.
May biyahe ito mula Trinoma sa Quezon City patungong Makati mula ala-6:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi.
Gayunman, nilinaw ng DOTC na bagama’t P55 ang pasahe sa low decker na bus, makakukuha pa rin ng 20 porsyentong diskuwento ang mga sasakay na senior citizen, PWDs at mga estudyante.
Photo Credit: govph
By Jaymark Dagala