Nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa publiko na ipanalangin ang mga inuusig at nagdurusa sa bansa.
Inihayag ito ng Arzobispo nang pangunahan nito ang isang misa kaalinsabay ng Red Wednesday Campaign sa Epiphany of Our Lord Cathedral sa Lingayen, Pangasinan kamakalawa.
Giit ni Villegas, maraming paraan para matulungan ang mga inuusig tulad ng pagdarasal para sa kanilang kapakanan at kumilos para kalampagin ang mga nasa kapangyarihan.
Panahon na rin aniya para magising ang kamalayan ng publiko hinggil sa nararanasang pagdurusa ng nakararami sa kabila ng mapanikil at marahas na pamamaraan sa pagpapatupad ng mga polisiya ng isang bansa.
—-