Nanawagan si Senadora Nancy Binay sa Inter-Agency Task Force (IATF) na aksyunan ang problemang hinaharap ng mga pamilyang namatayan dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang naging pahayag ng senadora matapos na mapaulat na mayroong ibang pribadong crematorium ang humihingi ng P100,000 para sa cremation ng labi ng COVID-19 patient.
Dagdag pa nito, dapat pagtuunan ng pansin ang isyung ito ng IATF para aniya hindi matulad ang bansa sa Italy at Estados Unidos na nakaranas ng worst case scenario.