Aminado ang Commission on Elections wala pa ring pagbabago tuwing may halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ito, ayon sa COMELEC, ay dahil paulit-ulit pa rin ang problema sa katatapos na midterm elections.
Kabilang sa mga tinukoy ng poll body ang naitalang mga aberya sa vote-counting machines, pagkaantala ng pagboto at mga ulat ng pandaraya at karahasan sa ilang lugar sa rehiyon.
Sa kabila ng hakbang ng COMELEC para isaayos ang proseso ng halalan, nananatiling hamon sa kanila ang pagpapatupad ng mapayapang eleksyon sa barmm.
Patuloy anilang sinusuri ang mga insidente upang matukoy ang mga kailangang hakbang para maiwasang maulit ang mga ganitong insidente sa mga susunod na eleksyon.