Tumaas na rin ang presyo sa ilang brand ng tinapay dahil sa tumataas na halaga ng harina sa international market.
Ayon kay Johnlu Koa, President ng Philippine Baking Industry Group, tanging ang Pinoy tasty at Pinoy pandesal ang nananatili o hindi gumalaw ang presyo sa mga pamilihan dahil joint project ito ng Department of Trade and Industry (DTI).
Iginiit ni Koa na sa kabila ng mataas na presyo ng produktong petrolyo ay sapat parin ang produksiyon ng harina sa bansa dahil sa tulong ng mga miller.
Humihirit ang naturang grupo na itaas ang Suggested Retail Price (SRP) ng 450-grams ng Pinoy tasty sa P42.50 centavos mula sa kasalukuyang P38.50 centavos at itaas naman sa p27.50 centavos mula sa kasalukuyang p23.50 centavos naman ang presyo sa kada sampung piraso ng Pinoy pandesal.
Sa ngayon, ang dating 690 pesos sa kada kalahating kaban ng harina ay tumaas na sa isang libong piso.
Siniguro naman ni Koa na patuloy silang susunod sa guidelines na inilabas ng DTI hinggil sa SRP ng bawat tinapay.