Tumaas ang presyo ng bulaklak at kandila sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City ngayong bisperas ng Undas.
Ayon sa mga nagtitinda, tumaas ng isandaang piso hanggang 120 pesos ang presyo ng bulaklak, na dating nasa singkwenta pesos lamang.
Sa ngayon, nagbebenta na ang mga tindera ng dalawang 150 pesos ng mga maliit na bulaklak, habang ang pinakamahal naman ay maaaring makabili ng hanggang 500 pesos depende sa arrangement.
Samantala, tumaas naman ng kwatro hanggang limang piso ang presyo ng kandila.
Dati, maaaring makabili ng kinse pesos ng dose piraso ng kandila, ngayon ay nasa bente pesos na.
Sa ngayon, pumapatak na sa sampung piso hanggang 140 pesos ang presyo ng kandila.
Posible namang tumaas pa bukas ang presyo ng dalawang produkto.





