Mariing pinabulaanan ni Senator Grace Poe ang balitang desidido na siyang sumabak sa 2016 Presidential election.
Ayon kay Poe, wala pa siyang pinal na desisyon dahil kasalukuyan pa lamang nyang tinitimbang sa kanyang puso’t isipan kung tatakbo sya sa pagka-Pangulo o hindi
Kabilang aniya sa kanyang ikinukunsidera ay ang kahihinatnan ng bansa sa susunod na anim na taon.
Sa kabila nito ay nanatili pa rin aniyang bukas ang kanilang komunikasyon kay Pangulong Aquino.
Una rito ay sinabi nila Senator Sergio Osmeñaa at Senator Tito Sotto na naniniwala siyang desidido na ang Senadora makaraang walang malinaw na kahinatnan ang pag-uusap nila ni Aquino noong kamakalawa ng gabi.
By Rianne Briones | Cely Bueno (Patrol 19)