Pinaigting pa ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang kanilang kampanya laban sa mga corrupt na police officers.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, tututukan ng PNP-IAS ang mabilis na pagsasampa ng kaso sa mga police personnel na akusado sa graft at corruption practices.
Katuwang nila rito ang Integrity Monitoring and Enforcement Group.
Simula nitong Hulyo 2016, tinatayang nasa 20,000 police officers nang nakatanggap ng sanction kung saan 5,513 ang natanggal sa serbisyo. —sa panulat ni Abby Malanday