Gumagawa na ng “contingencies” o hakbang ang Philippine National Police sakali mang maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court laban kay Senador Ronald “Bato” Dela rosa.
Si Senador Dela Rosa ang Hepe ng Pambansang Pulisya noong ipatupad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabing madugong war on drug campaign, na dahilan kung bakit nahaharap ito sa kasong crimes against humanity sa ICC.
Gayunman, tumanggi si General Torre na idetalye pa ang ginagawang paghahanda kaugnay sa posibleng pag-aresto sa mambabatas at sinabing magdedesisyon ang pamahalaan kapag kinakailangan na.
Una nang sinabi ni Senador Dela Rosa na nangangalap ng affidavit sa Pilipinas ang ICC upang mapatunayan na sangkot ito at si Duterte sa kasong crimes against humanity dahil sa pagpapatupad ng war on drug campaign.
—sa panulat ni John Riz Calata