Sisimulan na ng Department of Energy (DOE) ang pagpapatupad sa kanilang mga plano sa rehiyon ng Visayas.
Ito’y upang makapaglatag ng mga istratehiya para ganap na maresolba ang problema sa kuryente sa naturang rehiyon.
Ayon sa DOE, target nilang maipatupad ang nasabing mga plano sa buwan ng Enero sa pagpasok ng susunod na taon.
Dahil dito, magsasagawa rin ng serye ng pagpupulong at konsultasyon ang DOE sa mga power generating companies bago ipatupad ang nasabing plano.
Layon nitong mapakinggan ang panig ng lahat ng stakeholders at mabago pa ang mga nakalatag na plano para sa mas epektibong pagpapatupad nito.
By Jaymark Dagala