Sumampa na sa P20.17 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng flashfloods at mudslides na dulot ng malakas na ulang dala ng habagat sa Lalawigan ng Ifugao.
Ayon sa Department of Agriculture, aabot na sa 928 metric tons ang total volume loss ng nasa 800 magsasaka at 356 na ektaryang tanim na ang apektado.
Pinaka-napuruhan ang mga high-value crop at iba’t ibang uri ng gulay na aabot sa 489 metric tons habang pangalawa ang mga palayan na 439 metric tons.
Kabuuang 83 livestock heads ang nangamatay, partikular ang mga baboy.
Muli namang tiniyak ng DA ang ayuda sa mga apektadong magsasaka.