Magsisimula ngayong araw ang kampanya ng Team Philippines Killer Whale sa 2022 Hamilton Aquatics Short Course Swimming Championships sa Hamdan bin Mohammed Bin Rashid Sports Complex sa Dubai, United Arab Emirates.
Magpapakitang gilas si Julia Ysabelle Basa ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque sa girls’ 15-year 200 meters butterfly, 200 meters freestyle, 100 meters breaststroke at 100 meters individual medley.
Habang sasalang si Master Charles Janda ng Centro Escolar Integrated School Malolos sa boys’ 13-year 100 meters backstroke, 100 meters individual medley at 50 meters butterfly.
Kabilang din sa mga lalahok sin Jarold Camique, Patricia de Chavez, David Gillego, Kathryn Kier, Hannah Lim Louis Lim, Wynn Robles at Andrae Samontanes sa kani-kanyang events.
Sinabi naman ni delegation head Marilet basa na sumalang pa ang mga manlalangoy sa huling hirit na ensayo sa hamdan swimming pool upang masiguro na handang-handa ang mga ito sa kumpetisyon. —sa panulat ni Hannah Oledan