Kasunod ng matinding pagbatikos na kinakaharap ng online gaming industry hinggil sa mga panawagan para sa total ban, ang mga compliant operator ay nakiisa sa pagdepensa sa pagsusulong sa pinakamahigpit na regulasyon.
Kaya ipinagmalaki ng mga industry stakeholder ang papel na ginagampanan ng sektor sa pagtulong sa pondo para sa social programs ng pamahalaan at suporta para sa national sports development, partikular sa pag-iisponsor sa paghahanda ng mga Pinoy athlete sa international competitions.
Iginiit ni Cynthia Carrion, presidente ng Gymnastics Association of the Philippines at manager ni Olympic gold medalist Carlos Yulo, ang kahalagahan ng corporate sponsorships sa pagpapanatili ng mga elite sports program.
Tinukoy niya ang mga compliant companies tulad ng DigiPlus at Interactive Corp. na malaki ang naitulong sa pagsasanay at pag-unlad ng mga atleta, kabilang si Yulo.
“Without sponsors, including those from the online gaming sector, we would not have the necessary resources for training, travel, and competition,” sabi ni Carrion.
“Their support plays a key role in allowing our athletes to represent the country on the world stage,” aniya pa.
Kahit may masusing pagsusuri at mga panawagan mula sa mga mambabatas at iba pang sektor na ipagbawal o paigtingin ang regulasyon, nananatiling matatag ang industriya sa patuloy nitong pagbibigay ng suporta sa iba’t ibang kampanya ng national sports. Ang mga atleta tulad nina Eumir Marcial, Scottie Thompson, at Yulo ay nakatanggap ng suporta na bahagi ay nagmula sa kita mula sa online gaming.
Nabatid na kasama sa mga tulong na ito ay ang gastos para sa coaching, nutrisyon, pagsasanay sa ibang bansa, at mga international competition.
Makaraang manalo sa Olympics noong Agosto 2024, kinilala ni Yulo ang malaking ambag ng private sector partners sa kanyang tagumpay, sa isang press conference.
Ipinunto ni Carrion, na siya ring chair ng Philippine Retirement Authority at may mga posisyon sa international gymnastics organizations, na ang pondo mula sa gaming industry ang pumupunan sa kakulangan sa public sports financing.
“This industry contributes billions through corporate social responsibility programs. A portion of that directly supports sports, where government budgets often fall short,” aniya.
Maliban sa pagsuporta sa elite athletes, ang gaming revenues ay napaulat na sumuporta sa national tournaments, grassroots leagues, at iba pang developmental programs na naglalayong makatuklas at hubugin ang future talent.
Dahil naghahanda ang national team para sa mga darating na international competitions, nanawagan si Carrion at ang iba pang sports officials para sa mas balanseng approach sa mga talakayan sa online gaming regulation.
“Regulations can be improved where necessary, but it is also important to recognize the positive contributions made by legal, compliant operators,” ani Carrion.