Lumahok ang Pilipinas sa Ika-22 ChinaJoy sa Shanghai, China sa ilalim ng programang Malikhaing Pinoy ng Department of Trade and Industry at Game Developers Association of the Philippines (GDAP).
Walong kompanyang Pilipino ang nagpakita ng galing sa game development at digital entertainment, tampok ang Philippine Pavilion na may 36 sqm. Ayon kay PTIC-Shanghai Vice Consul Jose “Jojie” Dinsay, malaking oportunidad ito para palawakin ang creative industry ng bansa at makipag-ugnayan sa mga kompanyang Tsino.
Kasabay ng ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Tsina, layon ng paglahok na patibayin ang ugnayang pang-ekonomiya at lumikha ng mas maraming kolaborasyon.