Nangunguna ang Pilipinas sa paggamit ng artificial intelligence (A.I.) sa proseso ng recruitment sa buong Timog-Silangang Asya.
Ayon sa isang job portal website na JobStreet, aabot sa 39% ng mga kumpanyang Pilipino ang gumagamit ng A.I tools para sa pagkuha ng mga empleyado.
73% naman ng mga kumpanya sa ibang bansa ang hindi pa rin gumagamit ng A.I. dahil sa pangamba ng kakulangan nito ng limitadong kaalaman, at posibleng dagdag gastusin. Kadalasang ginagamit ito ng mga employer sa paggawa ng job advertisements, pagsusuri ng kwalipikasyon, at pagbuo ng mga tanong para sa interview.
Dagdag pa ng job portal website, na patuloy ang paglawak ng impluwensya ng A.I. sa recruitment, kung saan aabot sa 66% ng mga negosyo sa Timog-Silangang Asya ang isinasaalang-alang ang A.I. knowledge ng mga aplikante, at 29% sa mga ito ang itinuturing pangunahing kwalipikasyon sa pagkuha ng mga empleyado.