Iginiit ng grupong Asia-Pacific Pathways to Progress Foundation na kailangang mabalanse ang ugnayan ng Pilipinas sa China at Estados Unidos.
Kasunod ito ng pagbisita sa Pilipinas ni US Vice President Kamala Harris para patatagin ang pakikipag-ugnayan nito at mapag-usapan ang mahahalagang isyu na magpapataas sa ekonomiya ng dalawang bansa.
Sinabi ng grupo na bukod sa maayos na ugnayan sa US, dapat ding paigtingin ang matatag na ugnayan ng bansa sa China na ngayong ay patuloy na nakikipagkompetensya sa Pilipinas kaya’t mas mainam na maibalanse ito.