Iginiit ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na kailangang agarang makasabay ang Pilipinas sa paggamit ng artificial intelligence upang maiwasan ang mas malawak na agwat ng kaunlaran sa iba’t ibang sektor.
Ayon sa pagsusuri ng ahensya, nasa “building stage” pa rin ang bansa sa pag-integrate ng AI sa mahahalagang larangan tulad ng kalusugan, edukasyon, at agrikultura.
Binabala ng PIDS na kung hindi kikilos ang pamahalaan at pribadong sektor upang palakasin ang paggamit ng AI, mas lalo lamang lalalim ang kasalukuyang hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.
Kabilang sa rekomendasyon ng PIDS ang pagpapatatag ng mga polisiya, pamumuhunan sa digital infrastructure, at mas malawak na pagsasanay para sa mga Pilipino upang matiyak na ang AI ay magagamit nang inklusibo at epektibo para sa pambansang kaunlaran.
—Sa panulat ni Jasper Barleta