Binigyang-diin ng United States Senate Armed Services Committee ang kahalagahan ng Pilipinas bilang matatag na kaalyado ng Estados Unidos.
Sa isang courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang, sinabi ni Senator Deb Fischer na tinitingnan nila ang Pilipinas hindi lamang bilang kaibigan kundi bilang pantay at matibay na partner.
Kasama ng Pangulo sa pagpupulong sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, Defense Secretary Gilberto Teodoro, Ambassador Jose Manuel “Babe” Romualdez, at National Security Adviser Eduardo Año.
Ang U.S. ang tanging defense treaty ally ng Pilipinas habang patuloy na pinalalakas ang defense at security engagement ng magkabilang panig sa ilalim ng Mutual Defense Treaty, Visiting Forces Agreement, at Enhanced Defense Cooperation Agreement.
—Sa panulat ni Jasper Barleta