Inilunsad na ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) angĀ Indemnification Package sa mga makararanas ng seryosong adverse effect matapos makatanggap ng bakuna kontra COVID-19.
Layunin nito na bigyan ng tulong pinansyal ang mga indibidwal na makararanas ng side effect matapos mabakunahan ng COVID-19 vaccine.
Pinirmahan ang COVID-19 vaccine injury compensation package noong June 15 at mayroong 22 adverse events of special interest na kwalipikado sa bayad danyos.
Samantala kailangan magadala ng mga dokumento na magpapatunay sa hospitalization, permanent disability, death at iba pa.