Handang tumalima ang Philippine Health Insurance Corporation sa anumang magiging desisyon ng korte suprema kaugnay sa kontrobersyal na paglilipat ng sobrang pondo nito sa National Treasury.
Ginawa ni PhilHealth President at CEO Dr. Edwin Mercado ang pahayag sa harap ng pagsisimula ng Supreme Court sa oral argument kaugnay sa pag-transfer ng unused PhilHealth funds, na ayon sa petitioner, ay unconstitutional.
Nanumpa si Dr. Mercado sa harap mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng mga kontrobersiyang kinakaharap ng PhilHealth, kabilang ang sinasabing kakulangan sa paghahatid ng mga benepisyong pangkalusugan.
Tiniyak ng PhilHealth Official na tutugunan nila ang bilyung-bilyong pisong unpaid claims na utang ng health state insurer sa mga ospital, sa pamamagitan ng pagpapahusay sa claim process at pagbibigay-prayoridad sa digitization. – Sa panulat ni Laica Cuevas