Malabo nang magkaroon pa sa ngayon ng peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA sa ngayon.
Ito ay ayon kay Senador Panfilo Lacson ay dahil sinunog na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tulay sa CPP-NPA matapos na ideklara ang grupo bilang terorista.
Maliban na lamang ayon kay Lacson ay kung magbago ang isip ni Pangulong Duterte.
Dagdag ni Lacson walang nakakaalam sa ngayon kung tama o epektibo ang naging pasya ni Pangulong Duterte na ideklara ang CPP-NPA bilang terorista.
Suspension of Police Operations or SOPO
Samantala, walang plano ang Philippine National Police na magrekomenda Suspension of Police Operation o SOPO sa New People’s Army o NPA ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos maninindigan sila sa polisiya ng pamahalaan na hindi makikipag-negosasyon sa mga terorista.
Iginiit ni Carlos, sa halip na sundin ang tradisyunal na pagbababa ng armas tuwing Kapaskuhan, pipiliin anila ang mas maging alerto laban sa mga posibleng pag-atake ng NPA.
Una nang inihayag ng Armed Forces of the Philippines o AFP na hindi sila magrerekomenda ng tigil-putukan ngayong holiday season.
(Ulat ni Cely Bueno)