Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapitan ng barangay na hindi kikilos para sawatain ang ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.
Ayon sa Pangulo, hindi siya mangingiming kasuhan o ipatanggal sa puwesto ang mga ito kung magpapatuloy aniyang lilitaw ang kanilang mga barangay na may mataas na kaso ng bentahan ng ilegal na droga.
Sinabi ng Pangulo, ang mga kapitan ay maituturing na Presidente ng mga barangay na may tungkuling protektahan ang kanilang mamamayan.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
Samantala, desidido si Pangulong Duterte sa panukala nitong armasan ang mga barangay ng opisyal.
Ito ay sa kabila ng naging pagtutol ng ilang mga mamababatas at maging ng ibang sektor.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte