Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi siya magbibitiw sa pwesto kasunod ng panawagan na mag-resign siya dahil hindi umano ang gabinete ang problema, kundi siya mismo.
Ginawa ng presidente ang pahayag sa kapihan with the media sa sidelines ng ASEAN Summit sa Malaysia, sa gitna ng ikinakasang cabinet revamp ng pamahalaan.
Gayunman, iginiit mismo ni Pangulong Marcos na hindi siya tumatalikod sa problema.
Binigyang-diin ng pangulo na sumasalang sa masusing evaluation ang mga kalihim at iba pang opisyal ng pamahalaan upang matukoy kung nararapat pa silang manatili sa pwesto.
Matatandaang iginiit ng Palasyo na layunin ng panawagang courtesy resignation na mabigyan ng panahon ang pangulo upang suriin ang performance ng bawat kalihim at matukoy kung sino ang dapat manatili alinsunod sa mga bagong prayoridad ng administrasyon.