Desidido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sadyain nang personal ang mga lugar na may bahid ng anomalya at may kaugnayan sa mga flood control projects.
Ayon sa Punong Ehekutibo, handa niyang puntahan upang personal na makita ang mga isinusumbong ng publiko hinggil sa umano’y palpak na flood projects o mga proyektong guni-guni.
Sinabi ng Pangulo na kung hindi man siya makapunta, may mga engineer na magpupunta sa site at hihingan niya ng ulat hinggil sa kanilang nakita.
Kaugnay nito, patuloy naman ang panawagan ng Punong Ehekutibo sa publiko na magpadala ng litrato o video na may kaugnayan sa mga kuwestiyonableng proyektong pambaha.
Malaking bagay aniya at napapakinabangan, sabi ng Pangulo, ang mga impormasyong kanilang natatanggap sa “Sumbong sa Pangulo.”
—Sa panulat ni Jasper Barleta