Kamakailan ay naglabas ang United States Federal Bureau of Investigation (FBI) ng most wanted na poster kung saan kasama si Pastor Apollo Quiboloy.
Napasama umano si Quiboloy sa naturang listahan ng FBI dahil sa mga kaso ng sex trafficking at bulk cash smuggling.
Kinuwestiyon naman ng legal counsel ni Quiboloy na si Atty. Ferdinand Topacio, kung bakit ngayon lang isinampa ang mga kaso laban dito, kung kailan nakaupo si Pangulong Rodrigo Duterte at papalapit ang halalan.
Ayon kay Topacio, hindi malabo na taktika ito upang maapektuhan ang kandidatura ng anak nito na si vice presidential aspirant Mayor Sara Duterte.
Samantala, tiniyak naman ng chief state councel ng Department of Justice na ibabatay sa batas ang gagawing pagdinig sa extradition kay Quiboloy kapag hiniling ito ng Amerika kahit na kilala ang pastor na malapit kay Pangulong Duterte. –Sa panulat ni Mara Valle