Kung inaakala niyong mga tao lang ang may kakayahang sumabay sa technology, nagkakamali. Dahil mayroong parrot sa United Kingdom na sa sobrang techy, marunong nang mag-online shopping.
Kung ano ang pinag-oorder ng makulit na ibon, eto.
Napunta sa pangangalaga ng isa sa mga staff ng charity group sa United Kingdom na National Animal Welfare Trust na si Marion Wischnewski ang african grey parrot na si Rocco matapos itong ampunin ng nasabing grupo.
Ito ay dahil mahilig umanong magmura itong si Rocco, kung kaya nagprisinta si Marion na mag-alaga rito.
Ang makulit na parrot, sinasamantala ang abilidad niya na makapagsalita at tila isa itong tao na ginagamit pa ang smart speaker ng kaniyang amo.
Ang smart speakers ay ang uri ng speaker na voice-activated at maaaring utusan at tanungin.
Kung ano ang ginagawa ni Rocco sa speaker? Hindi niya lang ito basta-bastang kinakausap. Umoorder din ito sa isa sa mga sikat na online shopping platforms sa America ng kung anu-anong mga produkto.
Ayon kay marion, nadiskubre niya na lang ang online shopping habit ni Rocco nang tingnan niya ang kaniyang shopping list.
Isa sa mga inorder ni Rocco ay strawberries, broccoli, watermelon, raisins, at ice cream.
Mabuti na lang at kinakailangan munang mag-log in bago tuluyang mag-order gamit ang nasabing device kung kaya hindi naging matagumpay ang pagsha-shopping ni Rocco.
Samantala, matapos nito ay natuto na si Marion at naglagay na ng passcode sa smart speaker.
Sa mga may alagang parrot diyan, pwede niyo bang i-share ang kakatwang kwento ng kadaldalan ng mga alaga niyo?