Sa napakainit na panahon, problema ang bungang araw o keratosis pilaris.
Isang uri ng bungang araw ay tinatawag na chicken skin – isang harmless skin condition kung saan ang ating balat ay nagmumukhang balat ng manok kapag tinatanggalan ng balahibo.
Karaniwan itong tumutubo sa braso, hita, pwet, at paminsan-minsan kahit sa mukha.
Hindi ito seryosong kundisyon at kadalasan ay kusa namang nawawala ngunit posible rin itong pagsimulan ng seryosong sakit kung maimpeksyon.
Upang gumaling, kailangan ng gentle exfoliation ng balat para maalis ang dead skin o ang mga bara sa ating hair follicles.
Ibabad ang balat sa sabong may tubig sa loob ng limang minuto at pagkatapos ay banlawang mabuti.
Pagkatapos ay linisin, pahiran ng lotion o moisturizer para manatiling hydrated ang ating balat. —sa panulat ni Mark Terrence Molave